|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pag-iibayuhin ang pagdalo sa mga pangangailangan ng mga Pilipino sa iba't ibang bansa
PAGSISIKAPAN ng mga Pilipinong pari na higit na madaluhan ang mga pangangailangan ng mga nangibang-bansa sa Europa at Gitnang Silangan. Marami pa ring mga Pilipino ang hindi makalantad sa mga bansang kinalalagyan sa pangambang maipatapon pabalik sa Pilipinas.
Karamihan sa kanila ay mga Pilipinong lumabas ng Pilipinas bilang mga turista at naghanap na ng mga trabaho sa ibang bansa. Nangangamba silang magugutom sa Pilipinas kaya't nagbaka-sakaling kumita ng mas malaki sa pagtatrabaho sa abroad.
Isang malaking tanong kung hanggang kalian sila mananatiling mga irregular o illegal na mga banyaga sa labas ng bansa. Kahit na umano walang social security at minabuti na nilang manirahan at maghanapbuhay sa Europa na nahaharap din sa economic crisis.
Ipinaliwanag ni Fr. Edwin Corros na hindi naman karamihan sa mga Pilipinong irregular ang katayuan sa ibang bansa ay biktima ng human trafficking. Napupuna rin ng mga chaplain na hindi karamihan sa mga Pilipino ang nagtutungo sa mga Simbahan. Mayroon ding paliwanag na malaking bahagi ang dumadalo nan g mga serbisyon sa local church sa halip magtungo sa mga chaplaincy.
Binanggit din ni Fr. Corros ang kalagayan ng mga Pilipinong namili na ng mga tahanan upang doon na manirahan. Ang problema ay ng bumagsak ang ekonomia ng Europa at nawalan sila ng hanapbuhay at wala na ring pambayad sa kanilang nabiling tahanan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |