![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
melosep30.m4a
|
MULA ng itatag ang People's Republic of China 64 taon na ang nakalilipas, naging matagumpay ito sa nakaraming hamon at pagsubok at nagkaroon din ng maraming nagawa.
Ayon kay Ambassador Ma Keqing, sa nakalipas na 30 taon mula ng mabuksan ang bansa at makapagpatupad ng mga pagbabago, lumago ang ekonomiya at napakinabangan ng 1.3 bilyong mamamayan. Umunlad rin ang rehiyon at ang daigdig. Nakikipagkalakal na ang Tsina sa may 120 bansa at nagkaroon ng direct investments na umabot sa $ 530 bilyon sa pagtatapos ng 2012.
Sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippine H. E. Ma Keqing na malaking bahagi ng exports ng Pilipinas ang natutungo sa Tsina. Marami nang nagaganap na konsultasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Maraming mga turistang mula sa Tsina ang dumalaw sa Pilipinas sa unang pitong buwan ng 2013. Ito ang kanyang pahayag sa 64th Independence Day Celebration na idinaos sa Makati Shangri-La Hotel. (Melo Acuna)
Idinagdag pa ni Ambassador Ma sa mga pagbabagong isinagawa ng bansa, mas mataas ang uring matatamo ng bansa at magkakaron ng mas magaganda proyekto.
Upang mapatotohanan ang pangarap ng Tsina, itataguyod ng bansa ang mapayapang pag-unlad na susunod sa "win-win strategy" upang higit na makaambag sa kaunlaran ng rehiyon at daigdig. Magkakaroon ng mas matatag na pakikipagkaibigan at pakikipagkalakal ang Tsina sa mga kalapit-bansa, itataguyod ang development strategy tulad ng naiisip ng mga kaibigang bansa at maganap ang isang komunidad ng kapayapaan at kaunlaran.
Isang libong taon na ang nakalilipas ng maging magkaibigan ang Tsina at Pilipinas. Sa pagkakaroon ng diplomatic relations 38 taon na ang nakalilipas, patuloy na gumanda ang kalakalan at cultural interactions. Ang Tsina ang ikatlong pinakamalaking export market ng Pilipinas at pinakamalaking pinagmumula ng imports. Nakaambag din ang Tsina sa pagdagsa ng mga turista sa unang pitong buwan ng taong 2013. Mayroong higit sa 160 flights sa pagitan ng dalawang bansa tulad rin ng 20 ferries sa bawat linggo.
Nagkaroon na rin ng serye ng diplomatic, defence and consular consultations at trade, cultural and sports exchanges na nagpapakita ng matatag na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Umaasa ang Tsina na makakasama ang Pilipinas sa pagsusulong na maayos at matatag na relasyon. Ang pagsasama ng Tsina at Pilipinas ay makatutulong sa pangrehiyong kapayapaan, katatagan at kaunlaran.
Pinuri ni Foreign Undersecretary Laura del Rosario ang Tsina, ang liderato nito at mga mamamayan sa mga natamong tagumpay sa paglipas ng mga taon. Si Undersecretary del Rosario ang kinatawan ng Piliipinas sa pagdiriwang. (Melo Acuna)
Pinapurihan naman ni Foreign Undersecretary Laura del Rosario ang Tsina sa mga natamong tagumpay sa nakalipas na mga taon. Ayon sa diplomatang kinatawan ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, matagal nang magkaibigan ang mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas at magpapatuloy ito sa paglipas ng mga taon.
Ipinagdiwang ang palatuntunan noong Biyernes ng gabi sa Makati Shangri-La Hotel at dinaluhan ni Senate President Franklin M. Drilon, dating Pangulong Fidel V. Ramos at dating House Speaker Jose de Venecia.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |