

Isang malaking hamon para sa lipunang Pilipino kung paano maibabangon ang Zamboanga City na kinatatagpuan ng higit sa 109,000 internally displaced persons sa 33 evacuation centers. Ito ang mga larawang kuha sa sports complex na ginawang evacuation center. Bagama t nakakangit ang mga kabataan, malaking suliranin naman ang kinakaharap ng mga magulang sa kawalan ng hanapbuhay at tahanan sa mga sunod na naganap sa nakalipas na 21 araw mula noong ika-siyam ng Setyembre. (Melo Acuna)
Nangangailangan ng tulong ang Philippine Red Cross upang maipagpatuloy ang kanilang gawain. Mayroon na isang naitayong field hospital upang daluhan ang mga evacuees na nagkakasakit. Napupuna na ng Philippine Red Cross ang pagtaas ng bilang ng mga may diarrhea.
Samantala, ayon sa media reports, may 80% na ng mga bahay kalakal sa Zamboanga ang nagbukas na muli kaninang umaga.
1 2 3 4