![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Linggo ng mga Laiko, ipinagdiwang sa Iloilo
IPINAGDIWANG ang Linggo ng mga Layko sa Arkediyosesis ng Iloilo sa pamamagitan ng Misa na pinamunuan ni Arsobispo Angel N. Lagdameo noong nakalipas na Sabado, ika-28 ng Setyembre.
Nagsama-sama ang iba't ibang Marian Associations, Movements and Organizations, ang Lay Organizations, Movements and Associations at mga parokya.
Matapos ang Misa ay nagkaroon ng pagpupulong na kinatampukan ng arsobispo at mga kinatawan ng mga laiko tungkol sa iba't ibang isyung bumabalot sa pook. Kabilang sa napag-usapan ang mga isyung tulad ng pork barrel scandal, ang mga hamong kinakaharap ng Reproductive Health law at ang panawagan para sa bagong ebangehilisasyon.
Inilunsad rin ang Archdiocesan Laiko Directory na naglalaman ng Sinodo ng Jaro na nagbibigay-diin sa papel ng mga laiko.
Ipinaliwanag ni Fr. Midyphil Billones, director ng Jaro Archdiocesan Commission on Laity na ang mga laiko ang karamihan ng mga kabilang sa simbahan at sa okasyong ito ay pinararangalaan ang papel na ginagampanan ng mga laiko sa loob ng simbahan at lipunan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |