|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pilipinas, naghahanda para sa Todos los Santos
KARAMIHAN ng mga taga-Metro Manila ang naglakbay na pauwi sa kanilang mga lalawigan sa Mindanao at Kabisayaan, tulad rin ng mga taga-Hilaga at katimugang Luzon para sa Todos Los Santos (All Saints Day) at sa Araw ng mga Kaluluwa. Ang magkasunod na pagdiriwang sa Simbahang Katolika ay magsisimula bukas at sa darating na Sabado.
Kanina ay nagsagawa ng inspeksyon si Transport and Communications Secretary Joseph Emilio Aquinaldo Abaya sa Ninoy Aquino International Airport Terminal III upang tingnan ang kalagayan ng mga mananakay.
Kahit sa mga bus terminal ay dumagsa na rin ang mga mananakay upang makauwi sa Bicol Region at ilang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao.
Karaniwang naglalakbay ang mga Pilipino pauwi sa kanilang mga bayang sinilangan upang mag-alay ng mga panalangin at bulaklak. Nagsisindi rin sila ng mga kandila sa pag-alaala sa kanilang mga mahal sa buhay na namayapa na.
Nagsimula ng dumagsa ang mga Pilipino sa iba't ibang libingan mula pa noong nakalipas na linggo upang maglinis ng mga puntod ng mga yumao.
Sa isang bahagi ng Maynila, hindi na makadaan ang mga sasakyang pangpubliko at pribado dahilan sa pagbuhos ng mga namimili ng iba't ibang bulaklak na karamiha'y mula sa Baguio City upang madala sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. Milyong piso ang halaga ng mga bulaklak na naipagbibili sa bawat panahon ng Undas.
Kahit ang mga Pilipinong nasa ibang bansa ay humihiling pa rin ng panalangin para sa kanilang mga mahal sa buhay na namayapa sa pamamagitan ng CBCP. Narito ang panalangin ni Msgr. Pedro C. Quitorio III, Director ng CBCP Media Office para sa mga kaluluwa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |