|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

PAGAWAING-BAYAN NAPINSALA. Isa ang tulay na ito sa Bohol na lubhang napinsala sa nakalipas na lindol noong ika0-15 ng Oktubre. Tutulong ang International Labor Organization sa mga manggagawang nawalan na hanapbuhay. (Minette Rimando/ILO)
LIBO-LIBONG manggagawa ang apektado ng 7.2 magnitude na lindol na yumanig sa Gitnang Pilipinas noong isang buwan. Magugunitang mga pinagkakakitaan ng mga mamamayan ang napinsala, kasama na ang kanilang mga tahanan, pagawaing bayan at mga daang-taong mga simbahan at heritage sites. Ayon sa naunang pagtataya ng International Labour Organization, aabot sa 440,000 mga maggagawa ang apektado ng lindol sa Bohol. Sa bayan ng Loon, may 3,000 mga umaasa sa pangingisda ang apektado sa pagtaas ng baybay-dagat. Ang pagsingaw ng asupre o sulphur ay nakaapekto rin sa tubig-dagat samantalang natutuyo na ang mga bakawan kaya't wala na halos isang mahuli.
Ang punongbayan, si Mayor Lloyd Peter Lopez mismo ay naninirahan sa isang tolda kasama ang mga apektadong pamilya. Nasira din ang kanyang tahanan. Takot bumalik ang mga magsasaka at mangingisda sa kanilang mga tinitirhan sapagkat nangangambang magkaroon ng pagguho ng lupa at aftershocks, kakulangan ng pagkain at tubig na maiinom.
Ayon kay Lawrence Jeff Johnson, Country Director ng ILO, kailangang daluhan ang pangangailangan ng mga biktima sa pinakamadaling panahon. Nakalikom na ang ILO ng $ 220,000 kasunod na lindol at krisis sa Zambonaga. Nanawagan na rin sila sa national at international partners na tulungan sila.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |