|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

ADAPTATION ANG KAILANGAN. Ito ang paniniwala ni Albay Governor Jose Sarte Salceda (kanan) sa Tapatan sa Aristocrat tungkol sa Climate Change. Si G. Salceda ang kahahalal na Chairman ng Green Climate Fund sa katatapos na pagtitipon sa Europa. (Raymond Bandril)
NARARAPAT lamang paghandaan ng pamahalaan, civil society organizations at mga mamamayan ang mga panganib na dala ng climate change. Ito ang nagkakaisang paninindigan nina Albay Governor Jose Sarte Salceda, Chair ng Green Climate Fund, Executive Director Louis Napoleon Casambre, Fr. Benny Tuazon ng Ecology Desk ng Archdiocese of Manila sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.
Naging mainitan ang talakayan sa kung alin ang nararapat maging prayoridad, ang mitigation o adaptation. Ipinaliwanag ni Governor Salceda na handa ang pandaigdigang komunidad na maglaan ng pondo sa adaptation na magmumula naman sa mayayamang bansa.

MITIGATION ANG NARARAPAT GAWIN. Naniniwala naman si Fr. Benny Tuazon (pangalawa mula sa kanan) na ang mitigation ay mangangahulugan ng pagtutulungan ng mayayaman at umuunlad na bansa sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.
Bagaman, sinabi ni Fr. Tuazon na mas mabisa pa rin ang mitigation sapagkat mao-obliga rin ang mayayamang bansang maging maingat sa kanilang paggamit ng fossil fuels na nagpapadumi sa kapaligiran.
Samantala, sinabi ni Director Casambre ng Department of Science and Technology na mayroong nakalaang programa ang pamahalaan upang maiwasan ang masamang epekto ng pagbabago sa klima.
Ayon naman kay Denise Fontanilla, ang advocacy officer ng Aksyon Klima Pilipinas, magbabantay at lalahok ang mga civil society organizations sa mga pagsusuri at talakayan upang mai-angat ang kamulatan ng mga mamamayan.
Tiniyak naman ni Engr. Roland Javines Ong na mayroong magagamit na teknolohiya upang mailigtas ang mga mamamayan sa kapahamakan sa oras na bumagsak ang mga pasilidad ng mobile phones. Dala ang gadget na mula sa Europa, ang programang kilala sa pangalang Text Message Alerting System.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |