Sa Pilipinas, wala nang mas magandang halimbawa, kundi ang Ilog Pasig. Dahil sa paghahangad na makamtan ang mabilis na pag-unlad, grabeng nasira ang dating marikit at nakakahalinang ilog, na naging tahanan ng mga orihinal na Manilenyo sa loob ng ilan libong taon. Dagdag pa sa listahan ng mga naisakripisyo natin sa ngalan ng pag-unlad ay ang Look ng Maynila; mga nakakalbong kabundukan ng Cordillera, at marami pang iba.
Ang situwasyon ng Beijing ay hindi rin naiiba. Dahil sa penomenal na pag-unlad ng Tsina nitong nakalipas na 3 dekada: kahit pa todo ang pangangalaga ng Pamahalaang Tsino sa mga likas na yaman ng bansa, hindi rin nakaligtas ang ilang bahagi ng Tsina sa polusyon, partikular, iyong malalaking lunsod na tulad ng Beijing.
Ang Beijing ngayon ay madalas maging sentro ng istorya at artikulo ng mga dayuhang media, dahil sa
Beijing sa pagsikat ng araw
1 2 3 4