polusyon sa hangin. Lubhang mataas daw kasi ang konsentrasyon ng Particulate Matter (PM) 2.5 sa hangin, o iyong mga parang alikabok sa hangin na may laking 2.5 microns. Ang mga partikulong ito ay maaring malanghap at mapunta sa ating respiratory tract, at magdulot ng short-term health effects katulad ng iritasyon sa mata, ilong, lalamunan, at baga: maari rin itong maging sanhi ng pag-ubo, pagbahing, sipon, at pagkakaroon ng kapos na hininga. Bukod pa riyan, ang PM 2.5 ay maaring maging sanhi ng paglala ng asthma at sakit sa puso.
Kaya naman noong nakaraang linggo ay agarang inimbitahan ng lokal na pamahalaan ng Beijing ang halos lahat ng media rito sa lunsod upang ipaalam sa lahat ang mga aksyon na kanilang ginagawa, at mga balak gawin upang masolusyunan ang problemang ito.
CNG Bus
1 2 3 4