Ang Beijing ay ang sentro ng pulitika, kultura, at edukasyon ng Tsina: isa ito sa mga pinakamalaki, pinakamaunlad, at pinakadibersipikadong lunsod sa mundo. Marami rin itong bentahe pagdating sa larangan ng negosyo at hanap-buhay, kaya naman ibat-ibang lahi mula sa apat na sulok ng daigdig ang nagpupunta rito upang manirahan, magtrabaho, at mamasyal.
Marami ring aktibidad na panlibangan, pampalakasan, at iba pa ang alok ng Beijing sa kapuwa lokal na residente at mga dayuhan. Dahil ang Beijing ay maikokonsidera na ngayon bilang world-class na lunsod at mayroon nang mga pasilidad na magseserbisyo sa lahat ng uri ng tao, karaniwan nang makikita ang mga aktibidad na gaya ng pag-akyat sa bundok, paglalakad sa mga hutong o lumang komunidad, pagbibisikleta, pagbisita sa mga makasaysayang lugar at mga parke, Yoga, kaligrapiya, martial art, at maraming marami pang iba.
Ito ay katunayan lamang na tunay na napakasayang mamuhay at mamalagi sa lunsod ng Beijing.
1 2 3 4 5 6 7