|
||||||||
|
||
Logo ng Kombatan
Sa Amerika, pinasikat ng mga gurong tulad nina Remy Presas at Dan Inosanto ang Arnis.
Pero, gaano man kasikat ang Arnis sa mundo, dito sa Tsina, hindi pa rin ito masyadong kilala at wala pang nagtuturo nito sa Beijing. Pero, alam ba ninyo, doon sa Hongkong, mayroong isang guro ng Arnis na nagpupunyaging ipalaganap ang sining na ito? Sa ating pagkakaalam, siya po ang kaisa-isang nagtuturo ng ating sining sa Tsina.
Ang Arnis ay katutubong atin, at nakapaloob dito ang marami sa ating paniniwala. Talagang nakakatuwa at may isang Pilipino ang nagpupunyaging magturo nito sa Tsina. Sana sa pamamagitan ng Arnis, mas maintindahan ng mga Tsino ang marami sa mga kulturang Pilipino. Sana maging tulay ang Arnis tungo sa mas mabuting pagkakaibigan ng mga Tsino at Pilipino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |