|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga kongresistang Amerikano, susuporta sa recovery at reconstruction ng binagyong mga lalawigan
NANGAKO ang mga dumalaw na kongresista mula sa Estados Unidos na susuportahan ang Philippine Humanitarian relief operations at ang reconstruction and rehabilitation ng pamahalaan matapos tumama ang bagyong "Yolanda."
Sa pamumuno ni Congressman Chris Smith (R-NJ) at mga kasapi sa US congressional Delegation, ipinarating nila ang suporta sa pagdalaw kay Kalihim Albert F. Del Rosario sa kanyang tanggapan kaninang umaga.
Si Congressman Smith ng House Sub-Committee on Africa, Global Health, Global Human Rights at International Organizations ang namuno sa delegasyon upang alamin ang antas ng humanitarian assistance coordination at kalagayan ng kalusugan ng mga binagyo. Kasama rin sa pagdalaw sina Congressmen Al Greene (D-TX) at Trent Franks (R-AZ).
Ipinarating ng mga mambabatas ang kanilang pakikiisa sa mga biktima ng trahedya.
Nagpasalamat naman si Kalihim del Rosario sa pagbabahagi ng kakayahan ng mga Americano ng kanilang kagamitan at mga sasakyan upang marating ang malalayong pook.
Sinabi ni Kalihim del Rosario sa kanyang pahayag na malaki ang nagawa ng mga Americano sa pagpasok sa mga liblib na pook. Pinag-usapan din nila ang madalian at matagalang pagsasaayos ng mga napinsalang pook.
Isang malaking biyaya ang pakikipag-kaibigan ng Pilipinas sa Estados Unidos, dagdag pa ni Kalihim del Rosario sapagkat ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa America ay hindi natitinag.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |