|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Reclamation sa Manila Bay, isang malaking isyu
HINDI basta-basta ang pagpapasa ng panukalang magsagawa ng reclamation sa Manila Bay sapagkat kumplikado ito. Ito ang paniniwala nina Atty. Ipat Luna, isang abogadang dalubhasa sa mga isyu ng kapaligiran at kalusugan, Environment and Natural Resources Regional Executive Director Neria A. Andin at G. Rugo Colayco, isang solid waste management expert sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga.
Ipinanukala ng Manila Goldcoast Corporation ang pagsasagawa ng reclamation sa may 148 ektarya ng karagatan mula sa Embahada ng Estados Unidos hanggang sa may Cultural Center of the Philippines.
Sinabi ni Atty. Luna na wala umanong garantiya na pag mayroong Environmental Compliance Certificate mula sa Department of Environment and Natural Resources ay makatitiyak na ligtas ang reclamation.
Sa panig ng DENR, tiniyak ni Director Andin na mayroong sapat na paraan upang maayos at masunod ang nilalaman ng mga talaan ng requirements bago makapasa sa kanilang tanggapan ang reclamation projects. Sa Manila Bay, hindi lamang ang Metro Manila ang apektado sapagkat masasangkot ang mga lalawigan ng Batangas at Cavite, Bulacan, Pampanga at Bataan.
Naniniwala naman si G. Rufo Colayco na malaki ang pera sa basura kaya't maraming lumalabag sa batas na may kinalaman sa kalikasan. Kahit umano ang mga ilog at estero ay hindi na nakaligtas sa mga illegal na gusali. Isang malaking problema rin ang hindi wastong pagtatapon ng basura ng mga mamamayan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |