|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Barko ng Tsina, dumating na sa Pilipinas
NAGSIMULA ng maglingkod ang Peace Ark Hospital mula sa bansang Tsina kahapon sa pagdating sa Leyte Gulf, isang araw na mas maaga sa takdang schedule. Nadala kaagad ang pitong malubhang nasugatang pasyente sa pagamutang barko sa oras na sila'y nakarating sa baybay-dagat ng Leyte. Dahilan sa laki ng barko, nag-angkla ito sa Leyte Gulf may sampung nautical miles mula sa Tacloban City. Nagtayo sila ng field hospsital sa disaster area upang manggamot ng mga pasyente at dadalhin ang mga mangangailangan ng hospital confinement sa barko. Magpapadala sila ng epidemic prevention teams upang magsagawa ng anti-epidemic work.
Ang barko ay sinalubong ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at local government officials na nagsabing tamang-tama ang pagdating ng mga manggagamot sapagkat napapanahon sa relief efforts ng Pilipinas sapagkat iisa ang pagamutang bayan sa Leyte na kulang sa operating rooms at intensive care units samantalang ang mga sugatan ay ipinadadala sa ibang mga lungsod tulad ng Metro Manila, upang magamot.
Sinabi ni Chinese Ambassador to Manila Ma Keqing na ang pagpapadala ng dalawang koponan ng Red Cross, ng isang government emergency rescue team at ang Peace Ark hospital ay mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Tsina sa post-disaster assistance sa ibang bansa.
Idinagdag ni Ambassador Ma na ito ang unang medical ship na dumating sa Pilipinas at umaasang magkakaroon ng mas malaking papel sa pagpapalakas at pagkakaroon ng emergency medical care. Nagtungo si Ambassador Ma sa Leyte upang pamunuan ang koordinasyon sa mga autoridad na Pilipino sa paglilingkod sa mga biktima ni "Yolanda."
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |