Pareho ang estilo ng pelikula "A Wedding Invitation" at "Love is Not Blind": natural, fresh na love story, a little humor and a little sadness.
Sa pagsisimula ng pelikulang ito, sina QiaoQiao at LiXing ay parang "childhood sweethearts", they grow up together at minamahal nila ang isa't isa. Pagkatapos ng unibersidad, niyaya ni Li Xing na magpakasal si QiaoQiao, pero, tinanggihan ni QiaoQiao ang proposal nito. Sinabi niyang dapat unahin nila ang maghanap ng trabaho at ipagpaliban ang pag-aasawa. Magkakaiba ang kaisipan ng naturang lovers sa pelikulang ito: Nais ni Li Xing na manantili sa hometown, pero gusto ni QiaoQiao na pumunta sa malaking siyudad. So nilagdaan nina QiaoQiao at LiXing ang isang "breakup agreement": Kung pareho silang "single at available" pagkaraan ng 5 taon, mag-papakasal sila. Pagkaraan ng 5 taon, nanatiling single si QiaoQiao, pero, tinanggap niya ang balita ng pag-aasawa nina Li Xing at Zhourui.
So bumalik si QiaoQiao sa hometown at nakipagtagpo kay Li Xing at ang kuwentong ito at ang relasyon ng 3 tao ay nagiging mas masalimuot. Sa panahong iyon, si QiaoQiao ay nagkaroon ng kanser, at may posibilidad na mamatay siya. Ayan naging mas masalimuot na ang plot. Sumisigaw ang maraming tagapanood nang napanood ang scene na ito.
Sina Qiaoqiao at Li Xing