|
||||||||
|
||
Knights of Columbus, may ilalaang US $ 500,000 para sa mga biktima ni "Yolanda"
Sinabi ni Brian Caulfield ng Supreme Council ng Knights of Columbus na maglalaan sila ng US$500 libo para sa mga kasaping nasalanta ni "Yolanda." Dumalaw si G. Caufield kasama si Msgr. Pedro Quitorio III ng CBCP Media Office sa Cebu at Tacloban at inalam ang kalagayan ng mga biktima. (Melo M. Acuna)
MAYROONG tulong na maaasahan ang mga nasalanta ni "Yolanda" sa Kabisayaan sa paghahanda ng kalahating milyong dolyar upang makapagsimilang muli ng hanapbuhay.
Sa isang panayam kay Brian Caulfield mula sa Supreme Council ng Knights of Columbus na may tanggapan sa New York, ikinagulat niya ang katatagan ng mga Pilipinong nabiktima ng pinakamalakas ng bagyong tumama sa lupa.
Nakadalaw si G. Caulfield sa Cebu at Tacloban Cities kasama si Msgr. Pedro C. Quitorio III ng CBCP Media Office at nakadaupang palad ang mga obispong nakatalaga sa nasalantang pook.
Sapagkat mumunti ang kanilang maiaambag, prayoridad nila ang mga nawalan ng hanapbuhay na kasapi ng fraternal order at nakatakdang bigyan ng mga panibagong bangkang pangisda at iba pang kagamitan sa hanapbuhay. Kasama sa kanilang ibibigay ang mga chain saw na gagamitin sa pagtitistis ng mga katawan ng niyog na napinsala.
Tiniyak din ni G. Caulfield na walang anumang administrative costs na ipapataw sa kanilang malilikom na salapi sapagkat ang kanilang mga kasama sa Knights of Columbus ang mangangasiwa ng kanilang ipadadalang salapi.
Maglilingkod rin ang mga kasapi ng Knights of Columbus ang magiging volunteers sa paghahatid ng ayuda sa kanilang mga sinamang-palad na kapatid.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |