|
||||||||
|
||
Kailangang tugunan ang pangangailangan sa kalusugan, tubig at kalinisan
BAGAMA'T nakabalik na ang tinaguriang basic community services sa madaling panahon, kailangan pa rin ang mga palatuntunan upang matiyak ang kalusugan, ligtas na tubig at kalinisdan.
Ito ang pagsusuri ng Office for the Coordination of Humanitarian Affairs ng United Nations. Hindi pa rin sapat ang pagkain para sa malalayong pook. Umaasa pa rin ang nasa liblib at malalayong mga pulo sa rasyong pagkain.
Sa balitang inilabas kaninang umaga, sinabi ng OCHA na prayoridad ang pagkakaroon ng masisilungan at matitirhan upang maiwasan ang pagkakaroon ng epidemya. Minamadali ang pagbabalik ng kabuhayan ng mga biktima.
Gagamitin ang mga nabuwal na puno ng niyog upang magkaroon ng sapat na kahoy para sa mga itatayong tahanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |