|
||||||||
|
||
melo
|
SA dami ng mga nasugatan sa nakalipas na pagsasaya sa pagsalubong sa Bagong Taon, naniniwala ang Malacanang na napapanahon nang tapusin ang paggamit ng mga paputok kasunod ng pahayag ng Kagawaran ng Kalusugan.
Lumabas sa balitang pinakamaraming nasugatan dahilan sa mga paputok kung ihahambing sa datos na natamo noong nakalipas na taon.
Sinabi ni Kalihim Sonny Coloma na napapanahon nang maghanap ng ibang paraan ng pagdiriwang ng Bagong Taon. Umabot sa 599 katao ang nasugatan sa pagsalubong sa Bagong Taon, mas mataas sa 419 na naitala noong 2013.
Tumaas ng 98.3% ang mga nasugatan sa bilang na 589 samantalang may siyam naman ang tinamaan ng ligaw na bala. Pinakamaraming nasugatan ay nagmula sa Metro Manila na mayroong 345 samantalang sa Region IV-A o CALABARZON ay nagkaroon ng 50.
Piccolo pa rin ang pinakadahilan ng pagkakasugat ng mga batang sampung taong gulang pababa.
Suportado ng Malacanang ang panukala ni Kalihim Enrique Ona ng Kagawaran ng Kalusugan na papayagan na lamang ang paggamit ng mga paputok kung pangangasiwaan ng pamahalaang lokal sa takdang mga pook na kanilang nasasakupan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |