|
||||||||
|
||
Mga pamahalaang lokal ng Bulacan, tutol sa firecrackers ban
HINDI angkop na solusyon ang panukala ni Kalihim Enrique Ona na tuluyan ng ipagbawal ang paggamit ng paputok sa pamamagitan ng pagpapasa ng batas.
Ayon sa mga balitang lumabas sa media, iminungkahi ng mga nasa likod ng industriya na higit na maging mahigpit sa regulasyon ng industriya ng paputok.
Ipinaliwanag ni Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz, hindi umano maipagbabawal ito tulad ng liquor ban na ipinasa noong 1920. Tradisyon na umano ang paggawa nito.
Dapat lamang umanong pagtuunan ng pansin ang modernisasyon ng industriya upang higit na maging ligtas at pagkakakitaan ng mga may pagawaan ng mga paputok.
Nararapat anyayahan ng pamahalaang panglalawigan ang lahat ng may kinalaman sa industriya upang maghanap ng solusyon sa mga suliranin ng industriya.
Sinabi naman ni Mayor Christian Natividad ng Malolos City na dapat tumulong ang Kagawaran ng Kalusugan upang mapaunlad ang industriya sa halip na kitlin ang buhay nito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |