|
||||||||
|
||
Anim katao, nasawi sa pagsabog sa Basilan
SUMIKLAB na naman ang lagim sa Basilan sa pagsabog ng isang bomba malapit sa simbahan ng Tumahubong sa bayan ng Sumisip.
Anim katao ang nasawi samantalang ilang iba pa ang nasugatan sa hiwalay na pagsabog sa bisperas ng Bagong Taon.
Ayon sa mga balitang nakalap ng Pambansang Pulisya, anim katao ang nasawi samantalang apat na iba pa ang nasugatan ng sumabog ang isang improvised explosive device mga alas dies viente ng gabi noong Martes. Isang 'di kilalang lalaki ang naghagis ng bomba mula sa isang 105 mm howitzer shell malapit sa San Vicente Ferrer Parish Church na nasa pangangalaga ng mga misyonerong mula sa Claretians.
Nasawi sina Linebel Cisneros, Lourdes Ablong, Rey Limben, Khadic Kitarol, Elbert Gumuba at isang 'di pa nakikilalang apat na taong gulang na bata. Sugatan sina Rining, Janice at Jesa Dingcong.
Naganap ang pagsabog samantalang mayroong isang New Year's Party sa bahay ng isang Manuel Cisneros, isang para military operative.
Pito katao naman ang nasugatan ng maghagis ng isang granada ang isang lalaki sa isang mataong lugar sa Poblacion, La Paz, Agusan del Sur.
Isinugod ang mga sugatan sa La Paz Municipal Hospital at sa DO Plaza Memorial Hospital sa Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur upang magamot kaagad.
Nadakip ang sinasabing nagtapon ng granada na nakilala sa pangalang Jojo Francisco Pablo, 24 na taong gulang.
Namimili ang mga biktima sa isang tindahan ng bigla na lamang magtapon ng granada ang pinaghihinalaan sa 'di malamang dahilan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |