|
||||||||
|
||
melo/20140106.m4a
|
MARAMING nakatakdang gawin si Pangulong Aquino ngayon at sa mga susunod na araw. Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na tatanggapin ni Pangulong Aquino ang mga dokumento mula sa mga non-resident ambassadors ng Botswana, Ethiopia, Lithuania, Portugal, Samoa, Sudan, Zambia at Suriname upang maging malapit ang relasyon ng Pilipinas at mga bansang mula sa Africa, Caribbean at Hilagang Europa.
Isa pang mahalagang okasyon ang New Year reception para sa mga pinuno ng Pilipinas at Diplomatic Corps na pinangalanang Vin D'Honneur.
Ani Kalihim Lacierda, ito ang pagkakataon ni Pangulong Aquino na iparating ang kanyang mga prayoridad at inaasahang magaganap sa taong 2014.
Makakasama rin si Pangulong Aquino sa paglulunsad ng bagong MMDA Traffic Signal System and Command and Control Center bilang panauhing pangdangal.
Kabilang sa mga prayoridad ang transition mula sa relief patungo sa recovery at reconstruction para sa mga pook na nasalanta ni Yolanda at ang paglagda sa Annex on Normalization of the Framework Agreement on the Bangsamoro.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |