|
||||||||
|
||
Mga tiwaling kontratista, di babayaran ng pamahalaan
SINABI ni Kalihim Rogelio Singson ng Department of Public Works and Highways na hindi babayaran ang mga kontratistang nagtipid sa paggawa ng bunkhouses para sa mga nasalanta ni "Yolanda."
Sa kanyang pahayag sa Palasyo Malacanang, sinabi ni Kalihim Singson na magtutungo siya sa Tacloban City bukas upang suriin ang mga bunkhouses na itinatayo.
Wala pa ni isang kontratista ang nabayaran ng pamahalaan at kung mapapatunayang tinipid ang paggawa ng bunkhouses, hindi sila babayaran kung hindi magsasagawa ng retrofitting o pag-aayos ng kanilang mga ginawang mga tahanan.
Unang nagreklamo ang mga foreign agencies na lubha umanong napakaliit ng mga itinayong mga bunkhouses na unang ibinalitang kayang tirhan ng 24 na pamilya subalit sa ginawang programa, naging 12 pamilya na lamang ang makatatahan sa mga itinatayong gusali.
Sinabi ni Kalihim Singson na kung walang retrofitting na gagawin, walang salaping lalabas mula sa pamahalaan. Wala rin umanong garantiya na matatapos nilang itayo ang 6,000 bunkhouses sa loob ng dalawa't kalahating taong panunungkulan ni Pangulong Aquino sampu ng kanyang administrasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |