Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, abala ngayong linggong ito

(GMT+08:00) 2014-01-06 18:39:49       CRI

Maraming "assignments" si Pangulong Aquino sa nalalabing panahon

EKONOMIYA, APEKTADO NG MATAAS NA KURYENTE, ATBP. Naniniwala si Philippine Chamber of Commerce and Industry Vice Chairman Donald G. Dee na mahihirapang makasabay ang Pilipinas sa mga kalapit bansa dahilan sa mataas na halaga ng kuryente, petrolyo at iba pang gastusin. Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat," ipinaliwanag ni G. Dee na hindi sapat ang mga balita tungkol sa ekonomiya. Nararapat madama ng madla ang kaunlarang ibinabalita. (Raymond Bandril)

KAILANGANG MAGING BATAS ANG FREEDOM OF INFORMATION BILL. Ayon kay dating Securities and Exchange Commission Chairman Perfecto Yasay, Jr. (gitna) na isang magandang alaala ni Pangulong Aquino ang pagsasabatas ng Freedom of Information Bill upang higit na tumibay ang palatuntunan at pangako tungkol sa transparency ng pamahalaan. Nasa larawan din si Kapatiran President Norman Cabrera (dulong kanan) at Fr. Benny Tuazon, pangalawa mula sa kanan. (Raymond Bandril)

NANINIWALA ang mga kinatawan ng iba't ibang sektor na maraming nalalabing gawain si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa dalawang tao't kalahating pananatili sa Malacanang.

Sa idianaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina, ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry Vice Chairman Donald G. Dee, nararapat isaayos ni Pangulong Aquino ang business environment sapagkat walang ningning ang kalakal sa bansa. Sa taas ng petrolyo at kuryente, wala nang mangangalakal na mula sa ibang bansa na maglalakas-loob na magkalakal sa Pilipinas. Idagdag pa sa situwasyon ang mataas na pasahod sa mga manggagawa.

Sinabi naman ni dating Securities and Exchange Commission Chairman Perfecto Yasay, Jr. na magandang ala-alang iiwanan ni Pangulong Aquino ang pagiging batas ng Freedom of Information Bill upang higit na tumibay ang programa ng pamahalaan hinggil sa transparency.

Para naman kay Fr. Benny Tuazon, ang Minister ng Ministry of Ecology ng Arkediyosesis ng Maynila, mahalagang bigyan ng prayoridad ang mga nangungunang mga problema ng bansa. Binanggit din niya ang problemang dulot ng reclamation na makapipinsala sa kalikasan. Tatlong problema ang maidudulot ng panukalang reklamasyon tulad ng peligrong dulot ng daluyong sa oras na sumapit ang malalakas na bagyo, liquefaction at ang pagpigil sa daloy ng tubig baha.

Para kay Norman Cabrera, chairman ng Kapatiran at Secretary-General ng Gunless Society, mas napapanahong ipatupad ang mga batas hinggil sa mga sandatang na sa kamay ng mga mamamayan. Kailangang ipatupad ang batas ayon sa layunin nito upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga nasasawi at nasusugatan dahilan sa mga sandatang kapwa mayroon at walang lisensya.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>