|
||||||||
|
||
melo
|
INUTUSAN ng Korte Supreme ng Pilipinas ang Kagawaran ng Enerhiya at Energy Regulatory Commission na tumugon sa mga akusasyong pinayagan nila ang Manila Electric Company na magdagdag ng singil sa kanilang mga customer.
Napapaloob sa isang desisyong inilabas ngayong Huwebes, tinanggihan ng Korte Suprema ang kahilingan ng Office of the Solicitor General na pigilan ang ERC at DOE na magpaliwanag ng kanilang mga posisyon.
Ang mga abogado ng pamahalaan sa pamumuno ni Solicitor General Francis Jardeleza ay nagsabing hindi na kailangan pang sagutin ang iba't ibang petisyon laban sa pagtaas ng singil sa kuryente.
Isinama ang Department of Energy sa inutusan sapagkat sila ang nagsasama-sama, nagsasa-ayos at nangangasiwa samantalang mayroong kontrol sa lahat ng mga balak, palatuntunan, mga proyekto at mga pagkilos ng pamahalaan hinggil sa energy exploration, development, utilization, distribution at conservation. Ang ERC, ayon sa batas ay magsusulong ng kompetisyon sa energy distribution at iba pang paksa.
Obligasyon ng private respondent, ang Meralco, na humarap at ipagtanggol ang posisyon nito, ayon kay Atty. Jardeleza. Subalit sa pagtanggi ng Korte Suprema sa paninindigan ng pamahalaan, inutusan ng hukuman ang ERC at DoE na tumugon sa mga petisyon ng Bayan Muna, National Association of Electricity Consumers for Reforms at Anakpawis ng hindi lalampas sa ika-17 ng Enero. Pinadadalo rin sila sa preliminary conference sa ika-15 ng Enero.
Si Atty. Theodore Te (Supreme Court Spokesman) ang nagbasa ng desisyon ng Korte Suprema.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |