![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Mga illegal na manggagawa sa Saudi Arabia, binigyan ng bagong palugit
IPINAGPASALAMAT ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ang desisyon ng Kaharian ng Saudi Arabiang bigyan ng dalawang buwan ang mga walang dokumentong manggagawa upang isaayos ang kanilang mga papeles at maging legal ang kanilang paninirahan sa kaharian.
Maiibsan ang pangamba ng mga manggagawang Pilipinong at ng kanilang mga pamilya ng walang sapat na mga dokumento.
Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda D. Baldoz, na binalitaan siya ni Saudi Interior Minister Prince Muhammad bin Naif na tapusin ang mga papeles bago sumapit ang unang araw ng Marso 2014.
Pinasalamatan ni Pangalawang Pangulong Binay si King Abdullah sa pagpapakita ng kabaitan at awa sa pagkakaroon ng extension para sa lahat ng undocumented migrant workers.
Ayon sa DoLE, mayroong 196,633 mga manggagawang Pilipino sa kaharian ang nakapag-ayos ng kanilang mga dokumento samantalang may 38,939 ang umalis ng boluntaryo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |