|
||||||||
|
||
melofeb11.m4a
|
LUMAGO ng 15.8% ang merchandise exports ng Pilipinas at kinakitaan ng patuloy na pag-angat sa nakalipas na pitong sunod na buwan at naging "top export performer" sa ilang mga bansa sa silangan at Timog Silangang Asia.
Ayon kay Kalihim Arsenio M. Baliscan ng National Economic and Development Authority, nalampasan ng Pilipinas ang Vietnam na nagkaroon ng 12.6%, Indonesia 8.5%, Malaysia 7.6%, Korea 7.0%, Singapore 5.6%, Tsina 4.3% at Thailand na nagtamo ng 1.9%.
Nagkaroon ng negative exports growth ang Taiwan na umabot sa -1.9%, Hong Kong -3.0 at Japan na nagtamo ng negative 6.2%. Lumago ang exports dahilan sa benta ng Pilipinas sa Estados Unidos, European Union at Japan.
Ang mas mababang export receipts mula sa agro-based, petroleum, mineral at forest products ay nabawasan din ng 5.1%.
Ang total export receipts mula sa agro-based products ay lumiit ng may 27.8% sa halagang US$274.4 milyon mula sa 19.1% sa halagang US$379.8 milyon sa nakalipas na panahon noong 2012. Naganap ito dahilan sa pagbaba ng exports ng niyog kamakailan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |