Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Exports ng Pilipinas, lumago noong Disyembre 2013

(GMT+08:00) 2014-02-11 18:06:39       CRI

Kalusugang pangkalahatan, prayoridad ng pamahalaan

TINIYAK ni Dr. Ruben Siapno, Assistant Regional Director ng Department of Health (DOH) sa National Capital Region na prayoridad ng pamahalaan na pakinabangan ng madla ang "universal healthcare."

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, ipinaliwanag ni Dr. Siapno na lahat ng mga pagamutan sa Metro Manila ang nagkaroon na ng pagpapa-unlad. Makatutugon na ang mga ito sa anumang emerhensya. Nagkaroon ng epidemia sa tigdas sa Kamaynilaan dahilan sa hindi pagdadala ng mga ina ng kanilang mga supling sa health centers upang mabakunahan.

Sa Metro Manila umano matatagpuan ang pinakamaraming ""informal settlers" o mga taong walang masasabing tirahan.

 Ito ang binigyang diin ni Dr. Ruben Siapno (kaliwa), Asst. Regional Director ng Department of Health sa National Capital Region sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat. Sinabi niyang handa ang mga pagamutang dumalo sa anumang pangangailangan ng mga mamamayan. Sa pagtitipon ding ito, sinabi ni Dr. Arthur Catli ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na gumagastos ang mga kumpanya ng gamot ng may P110 bilyon sa pagbuo ng makabagong medisina. (Raymond Bandril)

Ipinaliwanag naman ni Dr. Ruth Bordado ng National Center for Mental Health (NCMH) na mayroon ng pagkakamulat ang mamamayan sa pangangailangan ng maayos na pangangatawan at isip. May mga pasyenteng nasa kanilang pagamutan dahilan sa hindi nakakayanang mag-adjust sa katotohanan.

Sinabi ni Fr. Luke Moortgat, CICM, ang nangangasiwa sa Program for Disability Affairs ng CBCP Commission on Healthcare na sa paglipas ng mga taon, nabibigyang-pansin ang kalagayan ng mga may kapansanan sa Pilipinas. (Raymond Bandril)

Bagaman, sinabi rin ni Dr. Bordado na nakakatulong ang teknolohiya sa pag-uugnayan ng mga magulang sa kanilang mga supling lalo't maraming mga mag-asawa at mga magulang nanapapahiwalay sa mga supling dahilan sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Sinasabing mayroong 10 milyong mga Pilipino ang naghahanapbuhay sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Ayon kay Dr. Arthur Catli ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP), umaabot sa P 110 bilyon ang nagagastos ng mga kumpanya ng gamot sa kanilang pananaliksik at paggawa ng makabagong medisina. Tumatagal umano ang research at field trials ng may 20 taon.

Sinabi ni Dr. Ruth Bordado ng National Center for Mental Health (NCMH) na napapaglapit ng teknolohiya ang mga magulang at kanilang mga supling at naiibsan ang kalungkutan o stress. Magugunitang mayroong aabot sa 10 milyong mga Pilipino ang nagtatrabaho sa iba't ibang bansa sa daigdig. (Raymond Bandril)

Niliwanag niyang ang pinakamahal na gamot ay ang gamot na ginagamit subalit hindi naman napapakinabangan ng mga pasyente dahilan sa kawalan ng bisa.

Para kay Fr. Luke Moortgat, CICM ng Program for Disability Affairs ng CBCP Commission on Healthcare, makabubuting papurihan ang pamahalaan sa mga ginagawa nito upang matulungan ang mga may kapansanan sa kanilang pang-araw-araw na buhay.


1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>