INANYAYAHAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III si US President Barack Obama na dumalaw sa Pilipinas sa darating na Abril. Malugod namang tinanggap ang naturang paanyaya.
Ayon kay Kalihim Herminio Coloma, Jr. ng Presidential Communications Operations Office sa kanyang regular na press briefing, mahalaga at makasaysayan ang pagdalaw na ito.
Sinabi ni Kalihim Coloma na nagmula ang impormasyon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas tungkol sa magiging pag-uusap nina Pangulong Obama at Aquino upang higit na mapatatag ang alyansa ng dalawang bansa tulad na rin ng pagpapalawak ng seguridad, ekonomiya at people-to-people ties.
Matagal na umano ang alyansa ng dalawang bansa na nag-uugat sa malalim na kasaysayan at kultura. Nagsimula ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong ika-apat ng Hulyo 1946 ng lumaya ang Pilipinas mula sa Estados Unidos.
Dumalaw si Pangulong Aquino sa Washington, D. C. at nagkapulong sila ni Pangulong Obama sa White House noong ika-walo ng Hunyo, 2012.
1 2 3 4 5 6