|
||||||||
|
||
Magsasaka, nagbabala sa napipintong pagbagsak ng industriya ng gulay
BINALAAN ni Anakpawis Party List Congressman Fernando Hicap ang madla na maaaring tuluyang malugso ang industriya ng gulay sa bansa kung magpapatuloy na bumaha ang mga inangkat at smuggled ng gulay sa iba't pamilihan ng bansa.
Sa kanyang resolusyong ipinarating sa House of Representatives, sinabi ni G. Hicap na malaki ang ibinaba ng kanilang mga mamimili simula ng pumasok sa bansa ang imported o inangkat na gulay.
Nag-uugat umano ang problema sa paglahok ng Pilipinas sa General Agreement on Tariffs and Trade-World Trade Organization, mas mura para sa mga malalaking mangangalakal na mag-angkat ng gulay sa Tsina, Taiwan at iba pang bansa.
Malaking problema ang dulot ng mga inaangkat na gulay, dagdag pa ni Congressman Hicap. Nakapagpalala pa ang kakulangan ng support services mula sa pamahalaan, mataas na gastos sa produksyon at upa sa lupa.
Ibinalita rin ng mambabatas na mula 1995 hanggang 2011, umabot sa 6.8 bilyong kilo ng imported na gulay at prutas. Umabot naman sa 3.6 milyong metriko tonelada ang inaning bawang, sibuyas, broccoli, cauliflower at patatas sa Pilipinas.
Ayon sa mambabatas, saklaw ng liberalized trade policy ng pamahalaan ang sektor ng gulay. Nabawasan rin ang taripang sinisingil sa mga gulay at prutas mula noong 1980 dahil sa malawakan at masigasig na trade liberalization program sa ilalim ng Structural Adjustment Program.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |