|
||||||||
|
||
melo20140218.m4a
|
SINABI ng Korte Suprema ng Pilipinas na ang online libel provision sa kontrobersyal na Cybercrime Prevention Act of 2012 ay ayon sa Saligang Batas kahit pa nawala ang probiyong nagbibigay sa Kagawaran ng Katarungan na magbawal o mangharang ng access sa datos na lumalabag sa batas.
Sa isang sinasabing "landmark ruling" na inilabas ngayon, na sumang-ayon sa 15 pinagsanib na petisyong nagtatanong tungkol sa batas, niliwanag ng mga mahistrado na ang original na may akda ng libelous material ang saklaw ng cybercrime law at hindi ang mga nakatanggap o nagbigay ng reaksyon sa impormasyon.
Ayon kay Atty. Theodore Te, idineklara ng Korte Suprema ang Section 4 (c) (4) na nagpaparusa sa online libel, ay hindi taliwas sa saligang batas kung ang mapaparusahan ay ang may akda. Taliwas ito sa saligang batas kung parurusahan ang nakatanggap at nagbigay ng komentaryo sa impormasyon.
Hindi saklaw ng batas ang online contents na nailabas bago nagbigay ng ruling ang Korte Suprema, kabilang na ang panahon na mayroong temporary restraining order.
Walang retroactive application ng mga parusa sapagkat maryoong pagbabawal laban sa 'ex post facto' laws.
Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang batas noong 2012 upang masugpo ang cybercrimes tulad ng pandaraya, identity theft, spamming at child pornography. Hindi muna natuloy ang pagpapatupad ng batas dahilan sa 15 petisyong nakarating sa Korte Suprema na nagtatanong tungkol sa ilang probisyon ng batas na ayon sa kanila'y taliwas sa Saligang Batas ng 1987.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |