|
||||||||
|
||
Disiplina, kailangan sa Metro Manila
SA pagsisimula ng 18 public works projects sa Metro Manila ngayong buwan na tatagal ng hanggang dalawa o tatlong taon, naniniwala si G. Alfredo Yao, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, na nararapat pag-ibayuhin ang disiplina partikular sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan.
Sinimulan na kagabi ng Department of Transportation and Communications ang paglalagay ng road barriers sa kahabaan ng Sergio Osmeña Highway upang madugtungan ang Skyway mula sa Buendia hanggang sa Bonifacio sa Quezon City. May haba itong 14 na kilometro na pinaniniwalaang magpapagaan ng paglalakbay sa pamamagitan ng skyway.
Idinagdag pa ni G. Yao na walang magagawa ang taongbayan sa pagpapatupad ng mga pagawaing bayang ito sapagkat lahat din naman ng mga mamamayan ang makikinabang.
Bagaman, nangangamba siya sa magiging epekto nito sa pag-aaral ng mga nasa elementarya, high school at kolehiyo sapagkat binabalak ng pamahalaan na magkaroon na lamang ng apat na araw ng pasok sa bawat linggo. Nababahala siya sa posibilidad na mapag-iwanan pa ang mga Pilipino ng mga kalapit bansa sa ASEAN at Asia sa oras na mabawasan pa ang oras ng pag-aaral ng mga kabataan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |