|
||||||||
|
||
Unang hakbang sa pagpupulong ng mga Obispo tungkol sa pamilya, nagawa na
NAIPADALA na sa Roma ang sagot ng mga Pilipino sa survey na unang hakbang sa pagpupulong ng mga obispo sa darating na Oktubre hinggil sa pamilya at mga bumubuo nito.
Ayon kay Fr. Marvin Mejia, Secretary General ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, higit sa kalahati ng mga diyosesis sa Pilipinas ang nakatugon sa mga questionnaire at naipadala sa Maynila noong kalahatian ng Enero. Tatlong mga kolehiyo ang tumulong sa pagsasagawa ng synthesis sa loob ng dalawang linggo. Tatlong memorandum of agreement ang nilagdaan ng CBCP at ng mga kolehiyo na lumahok sa synthesis. Kabilang sa probisyon ng kasunduan na walang anumang bahagi ng datos ang ilalabas sa madla o gagamitin sa anumang pag-aaral.
Bago nagkatapusan ng Enero ay naipadala nasa Apostolic Nunciature bilang pagtalima sa kautusan ni Arsobispo Socrates Villegas, Pangulo ng CBCP.
Nagkaroon ng problema sa Silangan, Gitna at ilang bahagi ng Kanlurang Kabisayaan sa pagsasagawa ng talakayan sa survey matapos hagupitin ng super typhoon "Yolanda" ang mga pook na ito noong ika-walo ng Nobyembre, 2013.
Niliwanag ni Fr. Mejia na sapat ang datos na nakamtan upang maging representative ng buong Simbahang Katolika sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |