|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
MATAPOS dumalaw sa Samar at Leyte, sinabi ni Fr. Anton C. T. Pascual, executive director ng Caritas Manila na marami pa ring mga nasalanta ang naghihintay ng tulong upang makabalik sa normal na buhay.
Sa panayam na ginawa ng CBCP Online Radio kaninang umaga sa EdSA People Power Monument, sinabi ni Fr. Pascual na tanging mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development ang nadarama sa dalawang lalawigan.
Bukod sa mga tauhan ng DSWD ay mga international organizations at non-government organizations ang makikitang naglilingkod sa mga biktima ni "Yolanda".
Ayon kay Fr. Pascual, humigit na sa P 100 milyon ang kanilang nailabas para sa mga palatuntunan ng iba't ibang pook na binagyo. Umaasa siyang makapagdadala rin ng dagdag na salapi mula sa Roma, sa Vatican City si Manila Archbishop Luis Antonio G. Tagle na dumalo sa pagtitipon ng mga cardinal kamakailan.
Kailangang tulungan ang mga napinsala sapagkat hindi sila makakabawi kung hindi papasok ang pamahalaan upang maibsan ang kanilang suliranin, dagdag pa ni Fr. Pascual
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |