Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Silangang Kabisayaan, unti-unti ng nakakabawi subalit…

(GMT+08:00) 2014-02-27 21:58:46       CRI

Foreign remittances, mahalaga ang papel sa ekonomiya ng bansa

SA paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 7.2% noong 2013 kahit pa nagkaroon ng serye ng mga trahedyang tumama sa bansa na kinakitaan ng pinsala sa buhay, kabuhayan at mga pagawaing-bayan, nakita ang katatagan ng biyayang dulot ng Business Process Outsourcing na nakapag-ambag ng US$ 16 bilyon at mga manggagawang Pilipinong nasa iba't ibang bansa na nagpadala ng US$ 23 bilyon.

Sa kanyang talumpati sa pagsisimula ng dalawang araw na pulong hinggil sa human trafficking at human slavery, sinabi ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na kapuri-puri ang ambag ng mga manggagawang nasa ibang bansa kahit pa nagkakahiwa-hiwalay ang mga bumubuo ng pamilyang Pilipino. May mga panganib silang kinakaharap sa mga pabrika, mga construction sites, mga barkong pangisda, mga taniman at maging sa mga barkong pangkargamento.

Nahaharap din ang mga kababaihan sa tuwirang pang-aabuso, pananakit at sexual abuse. Marami ring mga Pilipino't Pilipinang nabibiktima ng human trafficking sa Pilipinas. Mayroon ding nagaganap na sex trade sa mga tourist destinations.

Ani ni Pangalawang Pangulong Binay, may mga ahensya ang pamahalaan na saklaw ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), na may sapat na salapi upang labanan ang human trafficking at human slavery.

Batid rin ng IACAT ang suliraning dala ng corruption at pagsasabwatan ng traffickers at ilang mga tauhan ng pamahalaan. Pinagbabalik-aralan nila ang pakikipagsabawatan ng isang hukom sa pagdinig ng kasong human trafficking, usapin ng isang taga-usig na tumanggap ng suhol upang ibaba ang usapin mula sa human trafficking patungo sa child abuse.

Nakalulungkot umano na mayroong human trafficking sa likod ng kaunlarang nagaganap sa ekonomiya ng bansa. Kailangan umanong magtulungan ang iba't ibang sektor upang masugpo ang nakagigimbal na usapin.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>