|
||||||||
|
||
Extradition treaty, kailangang malagdaan
SINABI ni Senate President Franklin M. Drilon na sa oras na maipasa ang extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at tatlong bansa, partikular ang kasunduan sa United Kingdom, higit na magtatagumpay ang paglaban ng pamahalaan sa kriminalidad, lalo na ang may kinalaman sa child trafficking at prostitution.
Sa isang pahayag, sinabi niya na napapanahon nang maipasa ang mga kasunduang ito sa United Kingdom at Northern Ireland, España at India. Sumang-ayon si Senador Drilon kay Senador Miriam Defensor-Santiago na nagsabing walang dahilan upang patagalin pa ang pagpapasa ng mga kasunduan.
Hindi naipasa ang mga tratado sa tatlong bansa noong ika-15 Kongreso dahilan sa kawalan ng sapat na bilang ng mga mambabatas samantalang tinatalakay ang nilalaman ng kasunduan.
Kung magkakaroon ng tratrado, mahaharap sa batas ang mga sangkot sa child trafficking.
Binanggit ni Senador Drilon ang ginawang investigative report ng British Broadcasting Corporation sa child pornography sa Pilipinas na nagbunyag na ilang British nationals ang nasa likod ng malawakang pag-abuso sa mga kabataang Pilipino. Mayroong 139 na British nationals na kabilang sa 733 pinaghihinalaang mga kasama ng sindikato.
Mas maganda sana ang kinalabasan ng police operations na kinabilangan ng mga pulis ng Australia, Estados Unidos, UK National Crime Agency at PNP kung mayroon ng bisa ang tratado ng Pilipinas sa United Kingdom.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |