|
||||||||
|
||
/melo/20140310Meloreport.mp3
|
MGA SENADOR, NAGPASINAYA NG ISANG EXHIBIT. Pinasinayaan ang isang photo exhibit na pinamatagang "Las Pinas-Paranaque Critical Habitat and Ecotourism Area, Last Coastal Frontier of Metro Manila" nina Senate President Franklin M. Drilon (gitna) at Senador Cynthia Aguilar Villar (pangatlo mula sa kaliwa) at Senador Nancy Binay (pangatlo mula sa kanan). Matapos ito'y nagkasundo ang 21 sa 24 ng Senador na ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang Freedom of Information Bill. (Office of the Senate President Photo)
NAIPASA sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Freedom of Information Bill sa nagkakaisang boto ng 21 senador na dumalo sa sesyon ngayong hapon.
Ipinagpasalamat ni Senate President Franklin M. Drilon ang pangyayaring ito at malaking tulong ito sa paglahok ng mga mamamayan sa pagsugpo ng katiwalian sa loob ng pamahalaan.
Magiging aktibo ang mga mamamayan sa mga kalakaran ng pamahalaan sapagkat higit na titingkad ang iba't ibang antas ng pananagutan ng mga tauhan ng pamahalaan na masusuri na ng madla.
Sinabi ni Senador Grace Poe, Chairperson ng Committee on People's Public Information and Mass Media at isa sa nagtaguyod ng Senate Bill 1733 na kilala sa pamagat na FOI Bill, mapapawi ang katiwalian sa pamahalaan sa pagbubukas ng mga transaksyon ng pamahalaan sa kabatiran ng publiko at mapapanagot ang mga tauhan ng burukrasya.
Samantala, hindi nakalusot sa Mababaang Kapulungan, partikular sa committee level kahit na nagkaroon ng itinakdang deadline ang mga kasapi ng Committee on Public Information upang ihayag ng technical working group ang pinagsanib na bersyon ng panukalang batas.
Nagtapos ang talakayan ng TWG sa papupulong kanina nang walang anumang nailabas na pinag-isang panukalang batas sa mainitang pagdedebate sa Section 7 ng panukalang batas na nagtatala ng mga exemption sa public access of information.
Pinag-usapan na ito sa huling pagdinig ng TWG noong ika-18 ng Pebrero.
Ayon kay Congressman Jorge Almonte hindi ito pangkaraniwang batas na basta na lamang maipapasa sa komite. Sinusunod umano nila ang alituntunin ng Mababang Kapulungan. Layunin nilang magpanday ng batas na kakatawan sa paninindigan ng karamihan ng mga mambabatas sa Kongreso at Senado.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |