|
||||||||
|
||
Mga bagong paliparan, kailangan upang yumabong ang Turismo
MGA BAGONG PALIPARAN, KAILANGAN. Nagkakaisa ang karamihan sa stakeholders sa larangan ng turismo na kailangang magkaroon ng karagdagan at modernong mga paliparan. Ito ang sinabi ni Albay Governor Jose Sarte Salceda (gitna), Avelino Zapanta ng SEAIR International (pangatlo mula sa kaliwa) at maging ni Bb. Maloli Espinosa, convenor ng Rodeo Masbateno sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat. Nasa larawan din si Atty. Maricris Real ng Tanggapan ni Senador Lito Lapid (pangalawa mula sa kanan) at ni G. John T. Go Hoc, Pangulo ng Friends of Intramuros. (Melo M. Acuna)
MABAGAL ang pamahalaan sa pagpapa-unlad ng mga paliparan sa bansa upang madagdagan ang mga Pilipino at banyagang turista. Ito ang nagkakaisang pananaw ng karamihan sa mga dumalong stakeholders sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.
Sinabi ng Chief Executive Officer at Pangulo ng SEAIR International, Ginoong Avelino Zapanta na kahit anupang sabihin ng pamahalaang dumami ang mga dumalaw sa bansa, mananatili na lamang ito sa parehong bilang kung hindi matutupad ang mga ipinangakong bagong paliparan sa buong bansa.
Idinagdag ng dating Pangulo ng Philippine Air Lines na kailangang magkaroon ng regional hubs dahil dumadami na ang mga turista sa bansa. Kumikilos na ang stakeholders at kailangang sabayan ng pamahalaan.
Sa panig ni Albay Governor Jose Sarte Salceda, ang prime mover sa pagsusulong ng Albay-Masbate-Sorsogon tourism corridor na nadarama na rin ang ginagagawa ng Department of Public Works and Highways sa mga proyektong maglalapit sa tourist spots mula sa mga lungsod at bayan.
Isinusulong ni Gobernador Salceda at ni Bb. Maloli Espinosa ang Rodeo Masbateño na nasa ika-21 taon na. Magsisimula ito sa darating na katapusan ng buwan ng Marso at magtatagal hanggang sa ikatlong linggo ng Abril.
Idinagdag pa ni Bb. Espinosa na layunin nilang makatawag ng mga bagong kalahok sa mga patimpalak mula sa iba't ibang bansa na mayroong sariling dairy industry. Umaasa umano siyang magkakaroon ng mga banyagang kalahok sa kanilang mga patimpalak.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |