|
||||||||
|
||
Diplomasya, makalulutas sa 'di pagkakaunawaan
DIPLOMASYA ANG MABISANG PARAAN. Ito ang paninindigan ni dating Senador Francisco S. Tatad sa panayam ng CBCP Online Radio kanina. Nararapat umanong matuto ang Pilipinas sa Vietnam na diplomasya ang paraan sa paglutas sa mga 'di pagkakaunawaan. (Melo M. Acuna)
SINABI ni dating Senador Francisco S. Tatad na tanging diplomasya lamang ang paraan upang malutas ang mga 'di pagkakaunawaan sa South China Sea na kinikilala ng Pilipinas na West Philippine Sea.
Sa isang panayam ng CBCP Online Radio, sinabi ng dating Chairman ng Senate Foreign Relations Committee na matagal nang panahon ang isyu tungkol sa karagatang ito subalit ngayon lamang dumating sa maaanghang na salita mula sa mga pinuno ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Anang dating mambabatas, nagsimula ito ng magtungo ang mga Kalihim ng Ugnyanang Panglabas at Tanggulang Pangbasa sa Pentagon at nagprisintang sila na ang kakatawan sa interes ng Estados Unidos na pipigil sa pag-unlad ng Tsina sa larangan ng ekonomiya at tanggulang pambansa.
Idinagdag pa niya na maganda ang ginagawa ng Vietnam sapagkat nadadaan sa diplomasya ang pakikipagtalastasan sa Estados Unidos at maging sa People's Republic of China.
"Bahay Karunungan", itinatatag sa iba't ibang bahagi ng bansa
ISANG grupo ng mga layko na kilala sa pangalang Education Foundation, Inc. ang nagtatatag ng tinaguriang "Bahay Karunungan" sa mga mahihirap na pook sa Metro Manila at mga lalawigan sa pamamagitan ng mga silid-aklatan.
Ayon kay Bb. Naomi A. David, pangulo ng EFI, itinatayo nila ang mga silid-aklatan sa mahihirap na pook upang isulong ang kahalagahan ng pagbabasa at mabigyan ang mahihirap nang mababasa at mapahalagahan ang kaalaman.
Mayroon silang mga karaniwang aklat, mga aklat tungkol sa pananampalataya, mga magasin, pahayagan at iba pang mababasa at mayroon ding personal computers sa abot ng makakaya ng kanilang samahan.
Bukas ang mga silid-aklatang ito mula ika-11 ng umaga hangang sumapit ang ika-pito ng gabi upang makadaan ang mga mag-aaral at iba pang mamamayan matapos ang kanilang klase at hanapbuhay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |