|
||||||||
|
||
Pamahalaang Hapones, magpapadala ng US$ 3 milyon para sa mga biktima ni "Yolanda"
POPONDOHAN ng Pamahalaang Hapones ang isang proyektong nagkakahalaga ng US$ 3 milyon para sa mga palatuntunang pangkabuhayan ng mga biktima ni "Yolanda."
Kabilang sa 14.2 milyong kataong apektado ng malakas na bagyo ang may anim na milyong mga manggagawa. Mula sa bilang na ito, tinatayang may 2.6 milyong mga manggagawa ang nasa delikadong uri ng hanapbuhay. Ang mga taong ito ang susuportahan ng International Labor Organization.
Kabilang sa tutustusan ng ILO sa ilalim ng "Integrated Livelihood Recovery for Typhoon Haiyan Affected Communities" ang pagbuo ng mga bagong hanapbuhay para sa 6,740 mga manggagawa. Kabilang dito ang tinatayang 90,000 araw ng paggawa bago matapos ang 2014.
Ipatutupad ang programa sa Tacloban, Ormoc City/Leyte Province, Northern Cebu/Negros occidental, Bohol at Coron. Palawan. Inaasahan nilang makikinabang ang may 20,000 manggagawa.
Nagpasalamat si Yoshiteru Uramoto, Regional Director ng ILO Regional Office para sa Asia Pacific Region sa ginawang kontribusyon ng pamahalaang Hapones.
Ayon kay Lawrence Jeff Johnson, Director ng ILO sa Pilipinas, makatitiyak ang mga biktima ni "Yolanda" na magkakaroon sila ng makataong hanapbuhay sa pamamagitan ng palatuntunang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |