|
||||||||
|
||
谢xiè谢xiè 不bú用yòng谢xiè
DZME Wikang Tsino Aralin2(1)
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
你nǐ好hǎo/您nín好hǎo, mga giliw na tagasubaybay! Welkam po kayo muli sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino. Sa araling ito, magpopokus tayo sa ilang ekspresyong may kinalaman sa pagpapahayag ng pasasalamat at paghingi ng paumanhin.
Ang mga pangunahing punto sa araling ito ay ang mga sumusunod:
1.谢xiè谢xiè。Salamat. 谢xiè谢xiè你nǐ。Salamat sa iyo.
2.非fēi常cháng感gǎn谢xiè。Maraming salamat.
3.不bú用yòng谢xiè。Walang anuman.
4. duì对bu不qǐ起。Pasensiya na.
5. méi没guān关xi系。Walang anuman.
6. méi没shì事er儿。Walang anuman.
Kung nagpapasalamat kayo sa iba dahil sa nagawa nito sa inyo, ang madalas ninyong sabihin ay谢xiè谢xiè.
Maraming Pilipino ang pamiliar sa pariralang ito na madalas na gamitin. Ang谢xiè谢xiè ay nangangahulugan ng salamat.
谢xiè, salamat.
谢xiè谢xiè, salamat
Maari rin naman ninyong sabihing谢xiè谢xiè你nǐ. Salamat sa iyo.
Puwede ring sabihin ang 谢xiè谢xiè您nín kung gustong ipakita ng isang tao ang kanyang paggalang sa iba kasi ang您nín ay ang magalang na porma ng你nǐ.
Kung gusto ninyong ipakitang labis kayong nagpapasalamat, maari ninyong sabihing非fēi常cháng感gǎn谢xiè. Maraming salamat.
非fēi常cháng, isang pang-abay na nangangahulugang labis o labis-labis.
感gǎn谢xiè, nangangahulugan din ng salamat.
Tulad ng sa谢xiè谢xiè你nǐ at谢xiè谢xiè您nín, puwedeng puwedeng sabihin ang非fēi常cháng感gǎn谢xiè 你nǐ at非fēi常cháng感gǎn谢xiè 您nín.
Kung may magsasabi sa inyo ng salamat o maraming salamat, sa wikang Tsino, ang isasagot ninyo ay不bú用yòng谢xiè。Walang anuman.
不(bù), hindi
用yòng, kailangan.
谢xiè, salamat
Narito po ang isang tip ng kulturang Tsino.
Ang mga Tsino ay kilala sa kanilang mabuting pagtanggap sa mga bisita. Inihahanda nila ang pinakamasarap na pagkaing kanilang maihahanda bilang pagsalubong sa kanilang mga panauhin. Madalas ay marami silang inihahandang masarap na pagkain at maaga pa ay pinaghahandaan na nila ang pagdating ng mga bisita. Datapuw't marami nang pagkain sa hapag-kainan, sinasabi pa rin ng may-bisita o punong-abala na "Pasensiya na kayo, iyan lang ang nakayanan namin." na nagpapakita ng paggalang sa mga panauhin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |