Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Erhu at Guqin

(GMT+08:00) 2014-03-21 10:32:42       CRI

Nahahati ang mga tradisyonal na instrumentong Tsino sa 6 na klase: stringed musical instruments, plucked musical instruments, wind musical instruments, stringed percussion musical instruments, mouth reed musical instruments, at percussion musical instruments. Simulan natin sa stringed musical instruments ang ating pagsasalaysay.

Stringed musical instruments, ibig sabihin, ang instrumentong ito ay tumutunog sa pamamagitan ng vibrating strings.

Tiyak na kilala po ninyo ang mga western stringed musical instruments na gaya ng gitara, violin, Viola at iba pa. Pagdating sa instrumentong Tsino, nariyan ang Jinghu. Ito po iyong instrumentong kadalasang ginagamit kapag itinatanghal ang Beijing Opera, na ikinuwento namin sa inyo noong nakaraang episode. Bilang pangunahing instrumento ng Beijing Opera, mahigit 200 taon ang kasaysayan nito.

Sa susunod, isasalaysay namin sa inyo ang isa pang stringed musical instrument na ang hugis ay katulad ng Jinghu, pero, may mas mahabang kasaysayan. Ito ang tinatawag na Erhu.

 

Ang Erhu

Ano ang Erhu? Ang Erhu ay isang two stringed bowed instrument na may mababa at mahinhing tunog. Napakahusay ng Erhu sa pagpapahayag, ang tunog nito ay malapit sa tinig ng tao at dahil dito, ito'y isang instrumentong malimit na pakinggan. Sa kanluran, tinatawag itong biyoling Tsino. Nakapagpapahayag ang Erhu ng iba't ibang damdamin ng tao, nguni't pinakamahusay ito sa pagpapahayag ng makabuluhang emosyon.

Ngayon, pakinggan muna natin ang isang kilalang obra na tinugtog sa pamamagitan ng Erhu. Ito ay tinatawag na "Moon's Reflection On Er-quan Spring o Er-quan Yingyue."


Nilikha at tinugtog ito ni A Bing, isang bulag. Mula sa melodya at rhythm, nadarama natin ang sobrang kalungkutan. Maraming tao rito sa Tsina ang napapaluha pagkatapos itong mapakinggan. Ito nga ang pokus ng naturang obra, at ganito ang sariling karanasan ni A Bing.

Nang likhain ang Moon's Reflection on Er-quan Spring, bulag na si A Bing. Madalas niya itong tinutugtog sa tabi ng Er-quan Spring. Noong panahong iyon, napakahirap ni A Bing at halos wala siyang makain.

Pero, siyempre, mayroon ding masayang tugtugin ang Erhu. Gaya ng "Empty Mountain Birds Singing." Narito't pakinggan natin.


Ang Erhu ay isang instrumentong de-kuwerdas na kilalang kilala sa Tsina. Ang kasaysayan nito ay mababakas mula pa noong ika-7 hanggang ika-10 siglo sa Dinastiyang Tang. Nguni't sa panahong iyon, ang Erhu ay pangunahing ginagamit ng hanay ng mga pambansang minoriyang naninirahan sa hilagang kanlurang Tsina. Sa loob ng mahigit sanlibong taong pag-unlad, ang Erhu ay nanatiling pangunahing instrumento na pansaliw sa mga opera.

Pagkatapos maitatag ng Republikang Bayan ng Tsina noong l949, ang Erhu ay nagkaroon ng malaking pag-unlad. Hindi lamang ito ginagamit sa solo, kundi pansaliw din sa mga opera, sa awit at sayaw, at sa awit na pasalaysay. Ang Erhu ay isang pangunahing instrumento sa mga orkestra ng mga instumentong tradisyonal at ang papel nito ay kasintulad ng papel ng biyolin sa mga orkestra ng mga instumentong kanluranin.

Simple ang kayarian ng Erhu, kaiga-igaya ang tunog nito sa tainga, kaya kinagigiliwan ito ng husto ng mga mamamayang Tsino. Ang instrumentong ito ay isa sa mga pinakapopular na instrumento sa malawak na masa ng mga mamamayan ng Tsina.


Ang Guqin

Ang narinig po ninyo ay isang kilalang tugtugin ng Guqin, isang plucked musical instruments.

Ang Guqin ay isang seven-stringed instrument ng zither family. Maganda ang anyo ng Guqin; matunog at malinaw din ang tone color nito. Ito ay isang sinaunang katutubong plucked string instrument at tinatawag na "Qin" o "Yaoqin." Nilikha ng mga ninuno ng Nasyong Tsino ang Guqin, mahigit 3,000 taon na ang nakararaan, sa panahon ng Dinastiyang Zhou. Kaya, tinatawag din itong "the father of Chinese music" o "the instrument of the sages."

Napakahusay ng Guqin sa pagpapahayag ng iba't ibang damdamin ng mga tao: ligaya, galit, lungkot at tuwa, at sa paglalarawan ng iba't ibang natural na tanawin. Ang Guqin ay magagamit sa solo, ensemble at pansaliw. Lagi itong isinasama sa Xiao, isang woodwind musical instrument sa pagtugtog ng mga tugtuging klasikal. 

Ang Guqin ay isang cultured at eleganteng instrumento. May isang kasabihan, "a gentleman does not part with his qin or se (a long zither with movable bridges and 25 strings, wala na ngayon) without good reason." Kapag tumutugtog, mahalaga din ang tamang posisyon ng Guqin.


Ang narinig po ninyo ay isang kilalang tugtugin ng Guqin mula kay master Guan Pinghu. Tinatawag itong flowing water o Liushui.

Sa likod ng tugtugin, may isang kuwento tungkol sa matalik na matalik na magkaibigan.

Noong Spring and Autumn Period (770BC—476BC), si Yu Boya ay magaling sa pagtutugtog ng Guqin, at si Zhong Ziqi naman ay magaling sa pakikinig nito. Tumutugtog si Boya habang iniisip ang isang bundok. Sabi naman ni Ziqi, nakita ko ang bundok dahil sa pakikinig sa iyo. Kapag iniisip ni Boya ang tubig sa kanyang pagtugtog, nakikita rin ni Ziqi ang ilog.

Pagkamatay ni Ziqi, napagtanto ni Boya na wala na siyang makikitang ganitong klase ng kaibigan, na puwedeng makaramdam ng iniisip niya. Kaya, sinira niya ang kanyang Guqin at hindi na siya tumugtog mula noon.

Noong 1977, sa Voyager 2, isang spacecraft ng Estados Unidos, isinahimpapawid sa loob ng 7 minuto ang naturang tugtugin bilang representative work ng musikang Tsina. Ito ay para humanap ng isang matalik na kaibigan sa ibang planeta.

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Ang kuwento ni Liu Sanjie 2014-03-21 10:18:35
v Peking Opera 2014-03-10 17:21:58
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>