|
||||||||
|
||
Ulat ni Melo 20140408
|
PORMAL na nakipagkita si Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua at nag-abot ng kanyang Letter of Credence kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Malacañan kanina.
Nagkaroon ng maikling pag-uusap sina Pangulong Aquino at Ambassador Zhao matapos ang pagbibigay ng kanyang mga kaukulang papeles. Nagpalitan sila ng mga pananaw sa relasyong namamagitan sa Pilipinas at Tsina at hinggil sa mga isyung bumabalot sa South China Sea.
Inulit ni Ambassador Zhao ang mahahalagang posisyon ng Tsina ayon sa Pamahalaang Tsino. Binigyang-pansin ng bagong ambassador ang pagpapahalaga ng Tsina sa relasyon nito sa Pilipinas.
Ang mga suliraning kinakaharap sa relasyon ng dalawang bansa, partikular ang dulot ng arbitration case sa South China Sea ay hindi nila nananais na makita sapagkat wala ito sa common interests ng dalawang bansa.
Umaasa ang panig ng Tsina na may magagawa ang panig ng Pilipinas upang magkaroon ng pagkakasundo samantalang tatalikdan ang mga 'di pagkakaunawaan, at makakasama ng mga Tsino na malutas ang mga usapin at maibalik sa normal ang magandang relasyong namamagitan sa dalawang bansa.
Dumating siya sa Maynila noong ika-23 ng Pebrero at nagdala ng kanyang Letter of Credence kay Kalihim ng Ugnayang Panglabas Albert F. del Rosario noong ika-pito ng Marso.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |