|
||||||||
|
||
Korte Suprema: RH Law, ayon sa Saligang Batas maliban sa ilang probisyon
KINILALA ng Korte Suprema ang Reproductive Health Law na ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas maliban sa Sections 7, 17 at 23 ng kontrobersyal na batas.
Inilabas ang desisyon samantalang ang mga sang-ayon at mga tumutuligsa sa Reproductive Health Law ay naipon sa labas ng Korte Suprema sa Baguio City samantalang idinadaos ang kanilang summer session sa lungsod. Magtatapos ang kanilang sesyon sa ika-25 ng Abril.
Walang inilabas na pahayag ang Malacanang sapagkat ilang bahagi ng batas ang deklaradong taliwas sa Saligang Batas.
Ani Deputy Presidential Spokesperson Atty. Abigail Valte, hinintayin nila ang buong desisyon bago magpahayag ng kanilang posisyon.
Handa na umano ang pamahalaang ipatupad ang nilalaman ng batas mula ng lagdaan ito ni Pangulong Aquino noong Disyembre.
Itinatadhana ng Section 7 ng Republic Act 10354 (Access to Family Planning) ang nagsasaad na ang lahat ng accred9ted public health facilities ang magbibigay ng malawak at makabagong paraan ng family planning methods na kabibilangan ng medical consultations, supplies at mga procedures para sa mga mahihirap na mag-asawa na may infertility issues na nagnanais magkaroon ng supling.
Maipadadala rin ang sinumang nangangailangan ng pagtingin at serbisyo sa ibang health facility na malapit sa kanila.
Nagsagawa ng prayer vigil ang mga kontra sa Reproductive Health Law samantalang naipon din ang mga pabor sa kontrobersyal na batas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |