|
||||||||
|
||
时shí间jiān不bù早zǎo了le 我 wǒ们men该gāi走zǒu了le
20140414Aralin4Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay! 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn)。Kumusta kayo? Welkam po sa leksyon ng pag-aaral ng wikang Tsino.
Noong nakaraan, ipinokus natin ang ating pag-aaral sa mga ekspresyon na may kinalaman sa pagdiriwang ng kaarawan. Narito po ang mga sa linggong ito.
1.时shí间jiān不bù早zǎo了le。Gumagabi na.
2. 我 wǒ们men该gāi走zǒu了le。Aalis na kami.
3.再zài见jiàn!Baybay!
4.多duō保bǎo重zhòng!Ingat!
5.保bǎo持chí联lián系xì!Magparamdam ka!
Imadyinin nating dumadalo tayo sa isang salu-salo, gumagabi na at gusto mo nang umuwi. Ano ang puwedeng sabihin sa wikang Tsino?
时shí间jiān不bù早zǎo了le. Gumagabi na.
时shí间jiān, panahon o oras.
不bù, hindi.
早zǎo, maaga.
了le, katagang ginagamit sa dulo ng pangungusap na tumutukoy sa pagbabago ng situwasyon .
Susunod, paano naman kung gusto ninyong sabihing "Aalis na kami." Sa wikang Tsino, ito ay:
我 wǒ们men该gāi走zǒu了le.
我 wǒ们men, ito ay nangangahulugang "kami" sa pangungusap na ito.
该gāi, kailangan o dapat.
走zǒu, umalis.
了le, katagang ginagamit sa dulo ng pangungusap na tumutukoy sa pagbabago ng situwasyon .
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |