你nǐ好hǎo Helo 您nín好hǎo Helo po
wikang Tsino aralin bilang isa
|
Paki-klik ng audio file kung gusto ninyong malaman ang bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap.
你nǐ好hǎo mga giliw na tagasubaybay! Halikayo sa programang Pang-araw-araw na Wikang Tsino. Magsimula tayo sa pagbati sa wikang Tsino. Sa araling ito, matututunan natin ang mga sumusunod na pangungusap.
1.你nǐ好hǎo。Helo.
2.你nǐ叫jiào什shén么me名míng字zì? Anong pangalan mo?
3.这zhè是shì我wǒ的de名míng片piàn。 Ito ang tarheta ko.
4.好hǎo久jiǔ不bú见jiàn。Ang tagal nating hindi nagkita.
Sa wikang Tsino, maraming paraan ng pagsasabi ng helo. Ang pinakapopular na ekspresyon ay你nǐ好hǎo.
Ang你nǐ ay nangangahulugang "ka" o "ikaw." Ang好hǎo ay nangangahulugang "mabuti." Kung pagsasamahin, ang literal na kahulugan ng你nǐ好hǎo ay "mabuti ka."
Ang你nǐ好hǎo ay maaring gamitin anumang oras, sa anumang okasyon at ng kahit sino. Maari itong gamitin sa hindi kakilala o matagal nang kakilala.
Tulad ng sa Filipino, kung babatiin kayo ng magandang umaga maari kayong sumagot ng magandang umaga rin. Sa wikang Tsino, maari mo ring isagot ang你nǐ好hǎo rin.
Narito po ang usapan:
A: 你nǐ好hǎo。Helo.
B: 你nǐ好hǎo。Helo.
A: 您nín好hǎo。Helo po.
B: 您nín好hǎo。Helo po.
Ang 你nǐ好hǎo ay kadalasang ginagamit ng mga magkasing-edad o magkapareho ng kalagayang panlipunan. Kung may masasalubong kang mas matanda sa iyo, kailangan mo siyang batiin ng 您nín好hǎo. Ang 您nín ay porma ng 你nǐ na may tanda ng paggalang.
1 2 3