|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pagbabago sa kaisipan ng mga manananggol, kailangan

SENATE PRESIDENT DRILON, BINIGYAN NG HONORARY DEGREE SA UP COLLEGE OF LAW. Naging panauhing tagapagsalita si Senate President Franklin M. Drilon sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa UP College of Law. Sa kanyang talumpati, kailangang magkaroon ng pagbabago sa kaisipan ng mga abogado upang madali ang paggagawad ng katarungan. (OSP Photo)
KAILANGANG magkaroon ng pagbabago sa kaisipan ng mga abogado ng Pilipinas at talikuran na ang maling paggamit sa legal procedures upang isulong ang kanilang personal na interes na siyang sumasagka sa madaliang paggagawad ng katarungan sa Pilipinas.
Ito ang mensahe ni Senate President Franklin M. Drilon sa kanyang pagtanggap ng honorary degree na Doctor of Laws mula sa University of the Philippines sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa UP College of Law. Si Senate President Drilon ang guest of honor at keynote speaker.
Makabubuti umanong lutasin ng mga abogado ang mga suliranin sa halip na makipagtunggali sa mga kapwa abogado. Ayon sa panauhing pandangal, napapanahon na lumayo sa hilig makipagtunggali sapagkat kailangang maging result-oriented sa halip na procedure-based.
Kailangang maging prayoridad ng mga hukom at abogado ang pagkakaroon ng makatarungang desisyon sa halip na maging mahigpit sa pagsunot sa altintunin. Nararapat malutas ang legal disputes hindi sangayon kung sino ang may kakayahang gumamit ng legal procedures bagkos ay kung sino ang may maliwanag na karapatan sa batas.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |