|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Asian Meeting of Families, idaraos sa Maynila

PUSPUSANG PAGHAHANDA PARA SA ASIAN CONFERENCE ON FAMILIES. Ito ang sinabi ni Fr. Marvin Mejia, Secretary-General ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Apat na sunod-sunod na okasyon ang gagawin mula sa ika-13 hanggang ika-16 ng Mayo sa Pius XII Catholic Center at maging sa University of Santo Tomas. (Melo Acuna)
PINAGHAHANDAAN na ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang serye ng mga pagtitipon na pawang bahagi ng pagdalaw ni Bishop Jean Clement Marie Gerard Joseph Francois Georges Lafitte, ang Kalihim ng Pontifical Council for the Family.
Ayon kay Fr. Marvin Mejia, secretary general ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, sisimulan ang kumperensiya ng mga guro at katekista sa ika-13 hanggang ika-14 ng Mayo sa pamamagitan ni Fr. Gerry Santos. Dadaluhan ito ng mga katekista mula sa buong bansa. Panauhing tagapagsalita ang 61 taong gulang na si Bishop Lafitte.
Isang hapunan ang idaraos para sa mga abogado at mga politiko sa gabi ng Martes, ika-13 ng Mayo sa Ballroom ng Diamond Hotel sa Roxas Blvd. Makakasama rin ang mga obispo ng Pilipinas. Magiging panauhing tagapagsalita si Bishop Lafitte sa okasyon.
Samantala, idaraos ang Asian Conference on the Family na may temang Families of Asia: Lights of Hope sa ika-14 hanggang ika-16 ng Mayo. Dadaluhan ito ng mga kinatawan ng iba't ibang diyosesis na sangkot sa Family and Life commission at mga bansa mula sa Asia. Magaganap ito sa Pope Pius XII Catholic Center. Magsasalita rin sa pagtitipon si Bishop Lafitte.
Pang-apat ng okasyon ang Festival of Families na katatampukan ng mga delegado mula sa Pilipinas at ibang bansa. Gagawin ito sa University of Sto. Tomas sa Maynila.
Ipinaliwanag ni Fr. Mejia na hindi ito bahagi ng idaraos na Synod on Families sa darating na Oktubre sapagkat ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 taon ng pagkakatatag ng Charter on the Rights of Families noong nakalipas na ika-22 ng Oktubre 20,1983. Itinaon lamang ang pagdiriwang sa pagdalaw ni Bishop Lafitte.
Mapakikinggan din ang mensahe ni Pope Francis sa pagpupulong. Punong-abala sa pagtitipon sina CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas at CBCP Episcopal Commission on Family and Life sa ilalim ni Antipolo Bishop Gabriel Reyes.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |