|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mumu ang makakamtan sa kasunduan ng Pilipinas sa Estados Unidos

MUMU ANG MATATANGGAP NG PILIPINAS. Mumunting biyaya lamang ang makakamtan ng Pilipinas sa nilagdaang kasunduan nito sa Estados Unidos. Ang kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement, ayon kay Professor Richard Heydarian ay pabor sa America. Naniniwala siya na naging pabaya ang panig ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa kanilang American counterparts. (File Photo/Melo Acuna)
NANINIWALA si Professor Richard Heydarian ng Ateneo de Manila University na pawang mumu ang matatamo ng Pilipinas sa nilagdaang Enhanced Defense Cooperation Agreement sa Estados Unidos. Sa kabilang dako, may posibilidad na matagpuan pa itong taliwas sa Saligang Batas ng bansa hinggil sa pangmatagalang base o pananatili ng mga kawal na Americano sa bansa.
Sa isang mensaheng ipinadala ng propesor, sinabi niyang naging pabaya ang panig ng Pamahalaan ng Pilipinas sa pakikipag-negosasyon sa Estados Unidos at desperado lamang magparating ng mensahe sa Tsina at sa mga tumutuligsa at pumupuna sa rehimeng Aquino.
Mas maganda umano kung idinaan sa Senado ang kasunduan at pinagusapan at tinalakay upang lumabas ang tunay na pagtalima sa Saligang Batas. Ang kailangan umano ng Pilipinas ay isang maaasahang pangako ng America ayon sa Mutual Defense Treaty, na hindi sila mawawala sa oras na magkaroon ng sigalot sa karagatan. Hindi umano ito narinig sa panig ng America, dagdag pa ni Prof. Heydarian.
Nararapat lamang suriin ng Senado at maging ng mga mamamahayag na siyasatin at gamitin ang kanilang oversight matiyak lamang na ang kasunduan ay tatalima sa Salaigang Batas at hindi magbibigay ng complete at permanent basing access sa mga banyagang kawal.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |