Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Santiago, naniniwalang hindi makakalusot sa Korte Suprema ang kasunduan ng Pilipinas sa Amerika

(GMT+08:00) 2014-05-08 20:25:49       CRI

 

EDCA, MALAMANG NA 'DI MAKALUSOT SA KORTE SUPREMA.  Ito ang paniniwala ni Senador Miriam Defensor-Santiago, Chairperson ng Senate Foreign Relations Committee sa kanyang talumpati sa isang commencement exercise kahapon.  May posibilidad na walang poder sina Defense Secretary Voltair Gazmin at US Ambassador Philip Goldberg na lagdaan ang kasunduan kamakalawang Lunes.  (Office of Senator Santiago photo)

NANINIWALA si Senador Miriam Defensor-Santiago, chairperson ng Senate Foreign Relations Committee na malamang na hindi makakalusot ang kasunduang kilala sa pangalang Enhanced Defense Cooperation Agreement sapagkat ito'y taliwas sa itinatadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas ayon sa mga napipintong petisyon ng mga militanteng grupo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Santiago na ang kasunduang nilagdaan ng isang Kalihim ng Tanggulang Pambansa at Ambassador ng Estados Unidos ay hindi nararapat gawing pamantayan. Ito ay abnormal sapagkat mahalaga ang EDCA na umayon sa nilalaman ng Saligang Batas.

Ipinaliwanag ng mambabatas sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa Baliwag Polytechnic College, Bulacan kahapon ang kanyang pananaw. Sa ilalim ng International Law, ang personal na pakikilahok ng isang pinuno ng bansa ay kailangan para sa mga kasunduang mahahalaga sa mga magkakasundong bansa.

Sapagkat hindi ito nilagdaan ng mga pinuno ng mga bansa, ang mga kinatawan na lumagda nito ay nararapat magkaroon ng autoridad na tapusin ang kasunduan at dapat mayroong "Full Powers."

Itinanong ni Senador Santiago kung mayroon bang "full powers" sina Kalihim Gazmin at Ambassador Goldberg mula sa kani-kanilang pamahalaan.

Nababahala ang mambabatas sa tatlong probisyon ng Saligang Batas na mangangailangan ng pagsang-ayon ng Senado sa anumang tratado.

Kabilang dio ang 1969 Vienna Convention on the Law of Treaties, Article 46, ang probisyon na nagsasabing matapos ang kasunduan noong 1991 hinggil sa mga base militar at mga banyagang kawal na papayagan lamang sa ilalim ng tratado at ang probisyon ng Saligang Batas na nagbabawal ng pag-iimbak ng armas na nukleyar.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>