|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Fr. Joseph Smith, SJ, namayapa na
NAMAYAPA na si Fr. Joseph J. Smith, SJ, kagabi ng ika-anim at kalahati ng gabi sa The Medical City. Inatake siya sa puso matapos manatili sa pagamutan ng may higit sa isang buwan dahilan sa bilateral pneumonia. Yumao siya sa edad na 87 taong gulang.
Natanggap sa Society of Jesus si Fr. Smith noong ika-30 ng Hulyo 1944. Na-ordenan siya sa pagkapari noong ika-22 ng Hunyo 1957.
Mula ngayon hanggang bukas, malalagak ang kanyang labi sa Oratory of St. Ignatius sa Loyola House of Studies. Magkakaroon ng Misa pagsapit ng ikawalo ng gabi.
Ang libing ay sisimulan sa pamamagitan ng Misa sa ganap na ika-walo ng umaga sa Sabado, ika-10 ng Mayo sa Oratory of St. Ignatius sa Loyola House of Studies sa Ateneo de Manila University.
Ihahatid ang kanyang labi sa Sacred Heart Novitiate cemetery sa Novaliches, Quezon City pagkatapos ng Misa. Maipararating ang pakikiramay sa kanyang pamangking si Greg Peters.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |